September 3, 2009
Shit Happens...
hollered by praninglangako at 12:15 PM .

"Akala mo ikaw lang? Dinadalhan din nya ako ng pagkain.  Smokey's pa nga kanina... Hindi ka nya mahl..."

Weird.  Ano to? Wrong sent? Gago lang...

Malapit na finals nun.  Hirap pa naman ako sa lecheng accounting at Management. Parang kahit anong aral ko hindi ko talaga sya maintindihan.  May kelangan pa akong kumpletuhin na balance sheet.  Wala, hindi ko talaga ito maintindihan.  Bahala na.  

Nagising ako na umiiyak.  Asa isang kwarto sya na madilim.  Pink pa nga yung curtains.  Hindi ko pa nakita ever yung kwarto na yun.  Dinial ko ung number nya pero cannot be reached sya.  Asan na kaya yun? 3:30 na at wala pa syang text. Gusto ko ng ishare sakanya yung panaginip ko....  At  chaka yung weird text nung friday nung pag uwe ko...

May remedial daw sya sa math kaya nag extend.  Haaaay buti tumawag na sa landline.  Mababaliw na ata ako pag hindi ko pa sya nakausap. 6.30pm na un, mag didinner na daw sila ni tita.

Hinintay ko sya sa cat walk.. 6am.  Parating na yung kotse nyang Toyota Corolla na silver kelangan ko ng tumayo.  Sinamahan ko sya maghanap ng parking at kinwento yung panaginip ko at ipinakita yung weird text na buti naman ay na save ko.  "Kilala ko kung sino yan. Kakausapin ko yan mamaya.  Sorry ginugulo ka nya..."

Kumain kami sa Burger King bago nya ako isinakay sa FX.  "Wag ka tatabi dun sa lalaki sa gitna.. Sa likod ka na sumakay.  Paring mo ako ng landline mo pagdating mo sa house.. Lav you..."

"Ano ba'ng usap ginagawa nila? Marie daw pangalan eh..  Baka na wrong sent lang or naiinggit kasi nakikita na lage kaming magkasama."

"Anong oras ba daw sila nag usap?" tanong ni Thea.

"Kanina pang out nya mga 2... Yaan ko na nga, ikwekwento naman nya mamaya yun eh.  Malamang inggit lang sa akin yun.."

"I'm on my way home.  Nag-usap kami ni Marie.." text nya ng mga 5.30pm

"Magsorry daw ako.  Sorry. Pero wag ka ng maniwala sa kanya..." text nung Marie ng mga past 5.30.  HIndi ko na nacheck yung time kasi lalo akong na-weirduhan sa text.

Parang may ibig sabihin yun.  Bumigat yung pakiramdam ko. Tuwing magkikita kami para samahan ko sya mag park, hindi na ako makwento.  Nakayuko na akong naglalakad kasama sya kahit magkahawak kami ng kamay.  Para kong nahihiya na kasama ko pa din sya.  Hindi na ako masaya pero mahal ko pa sya...

Friday, 3 days before ng finals. Pinipilit ko pa di ng tapusin at intindihin ung lecheng accounting n yan.  Asa pav ako malapit sa med building.  Nagtext na tapos na ang class nya.  Dinial ko yung number nya.  "Asan ka na?.. Ah sige, andito lang ako sa pav kasama sina jay at pria...Sige hintayin na lang kita..."

"Bakit ikaw ang tumatawag? Dapat sya kasi lalaki sya..."

"Eh ako ung nakalinya e... Sayang load nya kung may free minutes naman ako.."

"Baby, buti pa tong si Angelica, ganyan mag-isip.  Ikaw, ako lage pinapatawag mo..."

Kumain kami sa may KFC.  Mejo nagiging awkward na ang meal time namin.

"Wag ka tatabi dun sa lalaki sa likod.  Sa gitna ka na sumakay.  Paring mo ako ng landline mo pagdating mo sa house.. Lav you..."

Ngumiti na lang ako at nung pag upo ko, may sumakay na lalaki sa tabi ko.  Kitang kita ko ung mukha nyang galit na galit.  Para namang pwede akong pumara para lang lumipat sa kabilang FX or sa FX na walang lalakeng sasakay.  Nagtext.. "Bumaba ka jan...Lumipat ka ng FX.."  Asa welcome rotonda na ako nung nakababa ako kasi mabilis magmaneho si manong.  Pagkababa ko, nakita ko auto nya.  Ngapark sa may Chocolate factory at sinamahan ako ulit makakuha ng FX.  Hindi sya nagsasalita.  Nararamdaman ko na umiinit na yung mata ko.  Malapit ng bumagsak yung luha ko.  Ayan may FX na.. Sumakay ako sa likod.  Walang tao.  Nakatingin lang sa sa akin, sa FX hanggang sa nakalayo ako.  May lungkot din sa kanyang mata....

Pinaring ko sya pag-uwe ko pero hindi na ako nagtext.  Bakit ang lungkot lungkot ko?.... Shit, finals na pala bukas sa accounting.  Hindi ako maka-concentrate..  Naiiyak pa ako!! Leche!

Tumawag sya sa sa landline ng 6pm.

"Hi baby.  Kakauwe  ko lang."

"Ah, okay... Kumain ka muna ng dinner.. Hi mo ako kay Tinay.."

"Okay.  PWede ba tayo mag-usap bukas?"

"Sige.."

"Tawag na lang ako ulet..."

Yun. Yun na yun.  Alam ko na kung anong mangyayari bukas... Sana hindi na dumating yung bukas...

Iniyak ko lang ang buong gabi.  Pinilit ko namang mag-aral pero sino ba ang makakapag aral sa ganung condition?.. "Tangnang inconsiderate...HIndi man lang naisip na finals ko..."

Naghintay ako sa cat walk..ulit at malamang sa huling pagkakataon... Dumating na ang gray na Toyota Corolla.  THM 365... Sya na nga yan.  Mejo blurry na paningin ko kasi naiiyak na ako....

"Hi. Good morning... Ano yung sasabihin mo?"

"Sorry.. Hindi ko naman gusto ikaw saktan... Mahal kasi kita.."

"Bullshit..." yan ang nasa utak ko pero hindi ko na sinabi...

Naiyak lang ako...Tahimik na iyak.  Hinawakan nya kamay ko.  Ang nasabi ko na lang ay.."Okay..I understand.."

Pagka park... Hinatid nya ako sa building ko.  Mamula mula ang mata nya habang sinasabing "hintayin kita after ng exam..."

Ayaw ko.  Sana lamunin na ako ng lupa ngayon na.  

HIndi ko natapos ang exam at halos mapunit na ang papel ko kasi basang basa ito ng luha.. Ayaw ko lumabas ng classroom pero mag eexam na ang mga pang hapon.

Andun sya naghihintay.  "Punta tayo SM Manila.  Watch tayo Fast and the Furious.."

Naluluha ako habang nanonood ng movie.  Mukha lang tanga.  Pero mas mukha syang tanga kasi sabi sya ng sabi na mahal nya ako pero nakikipag break sya..  Buti na lang tapos na ang movie.  Sinakay na nya ako sa FX.. "Tatawag ako pag uwe ko..  Ako pa din ang sasama sa enrollment mo... Take care.  Lav you..."

Naiyak ako lalo sa FX...  May pasaherong mukhang naawa sa akin at mayroong mukhang naiinis.  Sakto nga namang tumugtog ang kantang "babalik kang muli..."

"Nak ng!!!"

Humagulgol na ako.  Walang pakealam sa mga tao sa FX...

Hindi man nya sinabi yung totoong rason, atleast he was decent enough to break up with me...

Hay ang buhay...

 


Currently watching:


Add a Comment


August 26, 2009

hollered by praninglangako at 11:18 AM .

..Langit ko ay ikaw.  Halik ng isang anghel...

 


Currently watching:


Add a Comment


August 25, 2009
Dahil Mahal na Mahal na Mahal Kita...
hollered by praninglangako at 03:04 PM .

Hindi ko naman na inaasahan na magmamahal ako ulit ng ganito.  Medyo matagal-tagal din bago ko napag desisyunan na pumasok ulit sa isang siryosong relasyon at nasa puso ko pa din si Francis nuon. 

There was something about your naughty smile that made me say "I want to love this guy.." (naks naman). Pero pwera biro, that's what I really felt when I first saw you...

Our relationship started roughly. HIndi natin kasi kilala yung isa't isa pero that time, I really felt na ako lang yung nag eeffort na makilala ka.  Feeling ko nuon, ako lang yung siryoso.  Mayroon tayong mga napagdaanan na para sa ibang tao eh dapat cause of break-up na pero "we" gaveit a chance, I gave this relationship a chance and another and another.  Hindi ko pinagsisisihan yun kasi kung hindi ko ginawa yun, hindi ako ganito kasaya ngayon.. Yes, I am happy with you baby and I got to know myself better dahil saiyo.  I never knew I could cook and do the laundry and most of all, forgive.  Forgive in a sense na maniniwala ako sa explanation ng isang tao kahit gaano nya ako nasaktan at kakalimutan na nasaktan nya ako ng todo-todo. 

Bago kita makilala, prinsesa ako nuon.  Lahat ng gusto ko sinusunod ni "best" kahit na alam kong unreasonable.  Dahil saiyo, natutunan kong isipin ang ibang tao.  Natuto akong tanggapin na hindi sa akin umiikot ang buhay ng taong malalapit sa akin kahit gaano nila ako kamahal.  Natuto akong intindihin ang ibig sabihin ng "ME TIME" at natuto akong magdasal ng hindi para lang sa sarili ko.

Lahat ng ito natutunan ko ng hindi sapilitan kundi taos puso dahil mahal na mahal kita.  Hindi ito pakitang tao.  Siguro ito yung sinasabi nilang "compromising" sa isang relationship.

Minsan, natatakot ako na baka sa sobrang mahal kita, pag iniwan mo na ako, hindi ko na alam kung saan ko pupulutin sarili ko.  Pero hindi ako dapat nagiisip ng ganito, kung tayo, eh di tayo...Kung hindi eh di hindi.  Hindi ko naman ipagpipilitan sarili ko saiyo pag hindi mo na ako mahal o gusto.  Masasabi kong mamahalain kita hanggang sa kaya ko at hanggang sa gusto mo ako.  Sobra ba yun? Hindi naman siguro...Yun kasi ang paraan na alam ko kung paano magmahal.

Minsan naiisp ko nakakasuka na ako kasi sabi ako ng sabi na mahal kita pero gusto ko lang naman na malaman mo yun at nasabi ko sya dahil hindi nga natin alam kung hanggang kailan tayo.  Atleast walang araw na hindi ko nasabi seo. Hindi ko ireregret na hindi ko nasabi seo.

Gusto ko lagi kang masaya kasi pag nakikita kitang nakangiti o tumatawa, nakakagaan ng puso ko.  Parang ang saya saya ko na din. Madami akong gustong gawin with you like akyatin ang Mt. Everest o sumali sa Amazing Race pero syempre hindi kitapipilitin. Hinahayaan kitang ayain ako sa kung anong gusto mo or tanungin ako kung anong gusto ko kasi ayaw kong isipin mong pinepressure kita or dinidikta ko ang buhay mo...  Gusto ko swabe...steady lang...

Sana naririnig mo to kasi ang puso ko ang nagsasalita ngayon.  Mga bagay na alam kong hindi ko masasabi o mababanggit sa harap mo kasi natatakot ako sa magiging reaction mo.  HIndi ako magrereklamo, itratry kong intindihin ang mga gusto mopero sana pag dumating yung time na hindi ko nakayang pigilan ang nasa utak ko eh pakinggan mo din ako.  Promise hindi ako iiyak o luluha sa harap mo kasi alam kong ayaw mo yun.

Namimiss na kita by.. Nasaan ka na?... Hinihintay na kitang umuwe para mayakap kita ng mahigpit na mahigpit.  Dahil mahal na mahal na mahal kita....

 


Currently watching:


2 comments


August 21, 2009
Inis factor...
hollered by praninglangako at 11:04 AM .

Do you know how some people act as if they are the most beautiful people on earth? Nakakainis, diba?! They act as if they are so depressed while going through the "post break-up" whatever while going out with some guys na pumoporma na sa kanila.  The guys make her feel such a hearthrob and then and then suddenly sila na ng isa sa mga lalaking un...

Hmmm, should I call it human nature that a girl needs another man (most commonly known as a rebound) to be able to get over with his ex-boyfriend?  Oo nga naman, the rebound will do everything for the poor girl to gain her confidence back.  After knowing that the ex-bf had been two timing all this time, saan nga ba sya nagkulang? 

Now having overflowing confidence, feeling mo you are so important that you have to know everything.  Simpleng personal issue, you have to know.  Well, the world is not revolving around you dear.  Maybe your bf's life but not mine.  And hindi ka ganun ka-galing. Well, you're friendly pero anything else, exacto lang.  Magaling ang "charms" mo.

Hay, ano ba to! Negative vibes!!!!

I guess naiinis lang ako.  Call me bitter or whatever, ang sa akin lang is there is nothing wrong with being confident but beeing too confident is a different story. Hay, ayan nalabas ko na rin... It's been a long time since I kept this!

 


Currently watching:


2 comments


August 7, 2009
I'm not crazy..half lang
hollered by praninglangako at 07:59 AM .

I therefore conclude that bf doesn't want me to meet his friends.  I had to write it down before the thought and the reason consumes me.  I don't want to ask and I don't want to think about it anymore after I post this.  Whatever his reasons may be, it kinda hurts and I don't want to argue...anymore.

I'm tired.

 

 


Currently watching:


1 comments


« Newer | »

tabulas.com

Happy and sad. They call me crazy but honestly, I'm just scared of getting hurt...

navigate

[+] Home
[+] Archive
[+] The Author
[+] My Gallery
[+] Friends
[+] Friends Of
[+] Most Kept

tagboard

your name:

url:

your message:

content pages

categories

credits

[ Up4Grabs ] layout
[ Exploding Dog ] image
[ Tabulas ] blog host
[ Photobucket ] image host
[ praninglangako ] content